Friday, 1 April 2011

past is past!

   hay!!! ito na naman ako. :( ang hirap magtago kung ano talaga naaramdaman mo.


actually, ang hirap ng napagdadaanan ko ngayon. hayy. sana makaya ko. may taong nawala sa akin. para tuloy akong nabawaasn ng bahagi ng katawan. pero ganun talaga. may darating, my nawawala. alam ko naman na darating din ito. hay. hirap. sana talaga makaya ko to. 


    kasalanan ko din to e. di na ako natuto. pero last na talaga to. 




AYOKO NG PUMASOK PA SA BUHAY MO. NAGING MASAMA LANG AKO SA IYO! :(


move on na ako. 


gary is now signing off!


                     "it's time for a change."




talo ako. mahina ako. di ako perpekto. ayoko na. 


              forever alone! :( 



Saturday, 12 March 2011

k-a-i-b-i-g-a-n


     Kapag kasama ko sila walang araw na hindi ako tumatawa. (sobrang lakas pa.hehe) walang pinipiling lugar. Basta nandun sila, kahit library pa yan hindi maiwasang tumawa. “BAHOG” nga daw. (sila! Hehe) happy ako noong nakilala ko sila. (drama??) sabi nila napapatawa ko sila dahil sa pagsasalita ko. Tagalog na nga lang nagkakamali pa. Arrange the words sabi nga.tanga daw ako. Haha. Sige na nga hindi na ako magsasalita para hindi na ako matanga. Hmm, (nagself pity??hehe joke!) okey lang, napapatawa ko naman “daw” sila kahit papaano, kahit na lagi ako kinakawawa, yung tipong inuutusan ka lagi. Pinagbubuhat ka ng gamit nila lalo na si *** at si *****. Pero hndi na ngayon.

     Sa pakikipagkaibigan, hindi maiwasan ang tampuhan.  Natural lang yun, sa sobrang kalokohan ng grupo doon nagsisismula ang misunderstanding kaya nga kapag ganun nangyari “no joke na”hehe

So paano KAIBIGAN, bukas tawa ulet tayo.hehe

Loveyouall :*



ALONE


Hayyy.. Its really hard to be alone. Tahimik, walang pinagkakaabalahan, madaming bagay ang umiikot sa utak ko.  Ganun naman lagi ang mga tao kapag nag-iisa e, hindi maiwasang mag-isip ng kung ano ano. Just like me, i guess mas mabuti ang nag-iisa, dahil feeling ko mas maginhawa sa pakiramdam. Walang gumugulo. Sa tingin ko, siguro kung lahat ng tao nag-iisa, baka wala silang problema. But of course, it depends pa din sa tao yan. Atleast kapag mag-isa ako, naiiwasan kong makapanakit ng iba.  Yun nga lang kapag mag isa na ako, I can't resist to talk to myself.. Nagmumukha tuloy akong baliw. Haha.


            Everytime I am alone, all I can do is to think about my past.. hindi ko maiwasang mag reminisce sa mga magandang nangyari sa  akin and syempre, it includes my failures. =(

Friday, 11 March 2011

MY ULTIMATE GOAL...

Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang pangarap sa buhay. Ngayong estudyante pa lang ako, madami na akong plano sa buhay. 

Unang una, gusto kong makapagtapos ng pag-aaral at  makahanap ng trabaho. Nang sa gayo’y makatulong ako sa pamilya ko. Nakakahiya na kasing humigi ng pera sa kanila pero hindi ko naman maiwasan dahil estudyante pa lang ako. Madaming binabayaran. Kahit anong pagtitipid ang ginagawa ko hindi ko magawa, kahit hindi ka na kumain ng agahan o hapunan gagawin mo para lang makapagtipid ka pero kahit anong gawin mo, hindi pa rin sapat. Hayyy. . . sobra na akong naaawa sa pamilya ko. Si mama  baon na sa utang at kay papa naman nagtatrabaho sya sa Manila pero wala din naman napapala, meron man  hindi sapat para sa aminat nagagawa nyang hindi kumain para lang para lang mabigyan ako ng baon sa pang araw araw. Hayyy. . . ang hirap ng buhay. Sisikapin kong makapagtapos at balak kong magwork abroad. Oo, alam ko hindi tama pero nagiging praktikal lang ako sa buhay. Gusto silang iangat sa kahirapan at alam ko sa akin lang sila aasa. Gagawin kong UNLIMITED ang tulong na binigay sa akin.
           
            Sana, makaya ko ito at malagpasan ko pa. tulungan sana ako ni God. 

LIFE


kismet =)


One of my favorite songs is Kismet by Silent Sanctuary.

            I live through music. Madalas kapag nag-iisa ako, ayon may kakampi na ako. Ang sarap kasi sa feeling kapag nakakarinig ka ng song lalo na kapag favorite mo pa. nakakapagrelease kasi ako ng emosyon kapag nakikinig ako. Hindi siguro magiging kumpleto ang araw ko kapag walang music. Siguro kapag walang music, hindi magpa-function ang katawan ko.

I ♥ MUSIC!!! 



I Just Do What I Want

                                      
                                                  About Me Myspace Comments

This is ME



“ Hangga’t kaya ko pa, itatago ko na lang sa sarili ko  . ”





        Iyan ang laging dahilan ko sa aking sarili in times na may pinaghdadaanan akong sakit. Minsan pag hindi ko na talaga kaya, iiyak na lang ako.(Hehe). It is really hard to be alone especially when you need someone to talk to.



MYSTERIOUS kasi hindi ako yung taong open sa mga problema. Masayahin akong tao, mababaw ang kaligayahan. Maliit na bagay sobra na akong tumatawa. Pero sa kabila ng mga tawa na pinapakita ko sa harap ng maraming tao, lingid sa kaalaman nila ang lungkot kapag ako’y mag isa na. Ayon ”emo” na. hehe. I strongly believe sa kasabihang “ kapag ikaw ay masaya, asahan mong my kapalit na problema”. Madalas mangyari sa akin yan. Pero okey lang, atleast i've experienced to be happy. Napakaikli ng panahon para sa akin ang maging masaya but I always treasure every moment na nagiging masaya ako even though alam kong nandoon pa din ang problema.hehe 

Ako? Ako yung taong dumedepende sa tao. Bakit kaya? Dahil ayokong ma-reject . Kung ano ang pinapikita sa akin ng tao, ganun din ako sa kanila. Sabi nila kung ano talaga gusto kong gawin, gawin ko. May sarili naman daw akong pag iisip pero ang sabi ko naman, “paano kung yung gusto kong mangyari ay ayaw ng isang tao? Para saan pa at kailang kong sabihin ang gusto kong mangyari tapos hindi nman magagawa diba? IT’S USELESS! 

I also believe that every little thing in this life happens for a reason, maybe this is just God's way of teaching me how to be strong and become a better person. Sabi nga nila, “Learn from your own mistakes.” 

weakness???

     Ano nga ba ang kadalasang kahinaan ng isang tao? Kapag nabigo ba sa isang bagay? Kapag nasaktan? Sabagay, iba iba ang nararamdaman ng isang tao. Kung ako man ang tatanungin kong anu ang weakness ko, I’m sure matatawa kayo. Pero, sabi ko nga kanina, iba iba ang naramdaman ng ibang tao.  


  Jealousy makes me weak and it                                                                   
         can lead me to death! :(


Hindi kasi maiwasan yung pag involve na sa isang relationship. Yung tipong kakabahan ka na. hindi mo na alam ang gagawin mo. Parang ikakamatay mo na yung kaba. Hayy. . . ang babaw ko talaga noh? Ewan ko ba. Pero ito talaga ako e.