“ Hangga’t kaya ko pa, itatago ko na lang sa sarili ko . ”
Iyan ang laging dahilan ko sa aking sarili in times na may pinaghdadaanan akong sakit. Minsan pag hindi ko na talaga kaya, iiyak na lang ako.(Hehe). It is really hard to be alone especially when you need someone to talk to.
MYSTERIOUS kasi hindi ako yung taong open sa mga problema. Masayahin akong tao, mababaw ang kaligayahan. Maliit na bagay sobra na akong tumatawa. Pero sa kabila ng mga tawa na pinapakita ko sa harap ng maraming tao, lingid sa kaalaman nila ang lungkot kapag ako’y mag isa na. Ayon ”emo” na. hehe. I strongly believe sa kasabihang “ kapag ikaw ay masaya, asahan mong my kapalit na problema”. Madalas mangyari sa akin yan. Pero okey lang, atleast i've experienced to be happy. Napakaikli ng panahon para sa akin ang maging masaya but I always treasure every moment na nagiging masaya ako even though alam kong nandoon pa din ang problema.hehe
Ako? Ako yung taong dumedepende sa tao. Bakit kaya? Dahil ayokong ma-reject . Kung ano ang pinapikita sa akin ng tao, ganun din ako sa kanila. Sabi nila kung ano talaga gusto kong gawin, gawin ko. May sarili naman daw akong pag iisip pero ang sabi ko naman, “paano kung yung gusto kong mangyari ay ayaw ng isang tao? Para saan pa at kailang kong sabihin ang gusto kong mangyari tapos hindi nman magagawa diba? IT’S USELESS!
I also believe that every little thing in this life happens for a reason, maybe this is just God's way of teaching me how to be strong and become a better person. Sabi nga nila, “Learn from your own mistakes.”
No comments:
Post a Comment