Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang pangarap sa buhay. Ngayong estudyante pa lang ako, madami na akong plano sa buhay.
Unang una, gusto kong makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho. Nang sa gayo’y makatulong ako sa pamilya ko. Nakakahiya na kasing humigi ng pera sa kanila pero hindi ko naman maiwasan dahil estudyante pa lang ako. Madaming binabayaran. Kahit anong pagtitipid ang ginagawa ko hindi ko magawa, kahit hindi ka na kumain ng agahan o hapunan gagawin mo para lang makapagtipid ka pero kahit anong gawin mo, hindi pa rin sapat. Hayyy. . . sobra na akong naaawa sa pamilya ko. Si mama baon na sa utang at kay papa naman nagtatrabaho sya sa Manila pero wala din naman napapala, meron man hindi sapat para sa aminat nagagawa nyang hindi kumain para lang para lang mabigyan ako ng baon sa pang araw araw. Hayyy. . . ang hirap ng buhay. Sisikapin kong makapagtapos at balak kong magwork abroad. Oo, alam ko hindi tama pero nagiging praktikal lang ako sa buhay. Gusto silang iangat sa kahirapan at alam ko sa akin lang sila aasa. Gagawin kong UNLIMITED ang tulong na binigay sa akin.
No comments:
Post a Comment